chronology tagalog version

Maniwala ka o Hindi: Ang Mga Tunay na Pangyayari, Karanasan at Pamamaraan tungkol sa Pinakamalaking Nakawan sa kasaysayan ng Mundo

Isang kronolohiyang Pagsasalaysay
ni
CHARLIE AVILA

Isinalin ni Erlinda Villamor Bagas




Pebrero 1986

Nang umalis si Marcos, ang mga nalugi sa Central Bank na nakatala sa tatlong special accounts ay humigit sa P122 bilyon (higit na $6 bilyon). Ang pinakamalaking lugi ay nakalagay sa RIR account at ito ay dahil sa operasyon ng "forward cover" at "swap contract." Ang "forward cover" ay ang "foreign exchange" o dolyares na ibinibigay ng Central Bank sa mga nag-iimporta ng mga pangunahing gamit sa "fixed exchange rate" samantala ang "Swap contract naman ay ang natatanggap na foreign exchange (dolyares) ng CB sa "prevailing rate" kalakip ang pangakong ibabalik ang nasabing foreign exchange sa petsang napagsunduan sa ibang araw. (at an agreed future date).


Pebrero 28, 1986

Habang kinakatok ni Jim Burke na isang security expert mula sa US Embassy ang isang wooden panel sa silid-tulugan ni Imelda sa Malacanang nakarinig ito ng isang bahaw na tunog. Sa likod ng panel ay isang "walk-in vault" at sa loob nito ay natagpuan ang 35 maleta na nakakandado at naka-tape. Nakapaloob sa mga maletang ito mga dokumentong nagtatala ng napakalaking kayamanan-mga deposito sa Swiss bank accounts at mga ari-arian ng lupa sa New York, mga foundations sa Vaduz at mga papeles na pinagpraktisan ni Marcos sa pagpirma ng pangalan William Saunders. May mga alahas din na nagkakahalaga ng $10.5 milyon.


Marso 16, 1986

Nagnakaw ba si Marcos ng ginto sa Central Bank? Ayaw mag-salita ang Central Bank. Bakit? Sa araw na ito, isinulat ng LA Times na may 6.325 tonelada ng ginto ang nawawala sa Central Bank. Noong kalagitnaan ng 1978, nag-atas si Marcos na lahat ng naminang ginto ay sa CB lamang ipagbibili. Mula 1978 hanggang 1984, nakapagtala ang Bureau of Mines ng 124,234 libra (pound) ang napuro/napino (refined).

Nguni't ang natanggap lang ng CB ayon sa record nito ay 110,319 libra, ang kulang ay mga 13,915 libra ( 6.325 ton.)


Marso 1986

Ang Opisina ng Pambansang Paghihiganti, (ito ang pabirong tawag nila sa kanilang grupo) na isang vigilant team na pinangungunahan ni Charlie Avila at Linggoy Alcuaz ay nakatanggap ng tip na si Imee, ang isa sa mga anak ni Marcos ay may isang pribadong opisina sa Mandaluyong sa 82 Edsa. Kumuha sila ng Kautusan sa Paghahalughog (search warrant) at mga sundalo sa Camp Crame. Matapos magplano, at sakay sa apat na sasakyan nakarating sila sa nasabing lugar bandang hating-gabi. Inakyat ng mga sundalo ang pader habang ang iba naman ay nakapalibot sa buong lugar. Si Avila at Alcuaz, kasama ng ibang sundalo ay pumasok sa loob ng bahay at natagpuan nila ang maraming dokumento na nakalagay sa mga kahon, sa mga filing cabinets at drawers habang nagpuputukan naman sa labas. Ang mga dokumento ay mga listahan ng mga "offshore companies" at "overseas investments" ng mga Marcoses at ang kanyang mga cronies. Ito ang kawing (link) mga papeles na matagal nang hinahanap ng mga grupo ni Avila, Steve Psinakis, Sonny Alvarez, Raul Daza, Boni Gillego at Raul Manglapus.


Marso 09, 1986

Isang griyegong-amerkano, si Demetrios Roumeliotes ang hinarang ng mga awtoridad sa Manila International Airport bago ito nakaalis ng bansa dahil sa dala nitong mga malalaking envelops na may lamang mga alahas. Inamin nito na ang mga alahas ay pag-aari ni Imelda. Ito ay nagkakahalaga ng $4.7 milyon.


Marso 15, 1986

Sinabi ni Ernie Maceda, ang ministro ng Kagawaran ng Mga Likas na Kayamanan (Ministry of Natural Resources) na mga pito (7) hanggang labing-apat (14) na tonelada ng ginto sa Binondo Central Bank taon-taon at pagkatapos ay pinalalabas patungo sa Sabah, Malaysia. Ang mga gintong ito ay kaparte ng 20 toneladang ginto na galing sa may mga 200,000 maliliit na mga minero (panners) sa buong kapuluan. Ang tinatanong ni Maceda ay kung ang mga gintong ito na galing sa mga minero ay ang mga gintong ninakaw ni Imelda.

"Sa Central Bank lang kami nag-dedeliver", ang sabi ng mga minero. "Kung may nakawan mang nangyayari, hindi sa amin kung hindi sa Central Bank"


Marso 17, 1986

Ang Obispo ng San Francisco sa California ay nagbunyag na may isang negosasyon sa bentahan ng 5,000 toneladang ginto at ang transaksiyon ay ginagawa sa pamagigitan ng pamahalaan ng dating pangulong Marcos.


Marso 19, 1986

Dumating si Michael de Guzman sa Honolulu para makipag-usap kay Ver na nagdala naman sa kanya kay Marcos, Imelda at Bongbong. Maraming tawag sa Zurich-kay Ernst Scheller ng Credit Suisse. Gumawa ng dalawang sulat si Marcos na binibigyan ng karapatan si Mike sa mga Swiss banks. Si Mike na lang ang kanilang huling pag-asa para maka-withdraw ng pera sa Swiss bank dahil sinubukan na mismo ni Marcos noong March 21 nguni't dahil sa "freeze order" wala siyang nagawa. Kaya noong 24 ng Marso, sinubukan naman ni Mike de Guzman at pati na noong 7 ng Mayo, hindi pa rin pumayag ang mga bangko na magbitaw ng pera.

Alam na ni Mike na panahon na para umuwi ng Pilipinas- sa bagong pamahalaan. Tutulungan niya ang pamahalaan upang mabawi ang mga deposito ni Marcos sa kundisyon babayaran siya. Kasama niya si Ibrahim Dagher, isang lebanong negosyante. Alam nila ang isang account na may depositong $213 milyon at ang labing-isang foundations na may hawak ng $4.5 bilyon na nakadeposito sa siyam na bangko kasama na dito ang mga mamahaling metal na nagkakahalaga ng $3 bilyon, mga "securities on deposit na humigit-kumulang sa total na $7.5 bilyon.

Nagsimula na ang Operation Big Bird na kasama si Mike de Guzman, Col. Joe Almonte at Charlie Avila.

Nguni't sa katapusan, hindi nakalipad ang Big Bird, dahil ang pamahalaan ay hindi lubusang nagtitiwala kay de Guzman, kahit na ginarantiyahan sa operasyon na maiiwasan ang anumang pagtataksil.


Abril 1986

Napasakamay ni Julie Amargo ang isang duplikadong kopya ng KLM Cargo airway bill na may petsang a-9 ng Setyembre. Sinabi niya sa PCGG na mag-imbistiga at tukuyin kung sino ang may-ari ng shipment na ito.

Bilang sagot, sinabi ng Central Bank ang tungkol sa "location swaps" na ginagawa nito. Isinulat ng Central Bank ito, pagkaraan ng dalawang buwan. Ang "location swaps" ay ginagawa daw para "beef up liquidity at a time when the CB was having difficulty meeting its foreign exchange payments."

Ang sinabing ito ng Central Bank ay nakalilito. Ang tinutukoy dito ay ang tatlumpu't mga kargo para sa "location swaps" mula Disyembre noong 1981 hanggang 1986 ng Hulyo kung saan 6,081 bareta ng ginto ang pinalabas sa Pilipinas. Mga 27 ng 30 sa mga kargong ito ang pinalabas noong regimen ni Marcos.

Hindi rin maliwanag kung magkano talaga ang ipinagbili maliban doon sa ipinalabas noong ika-9 ng Setyembre 1983. Ang pahayagan ang nagbalita nito, hindi ang Central Bank.

At para lalong lituhin ang mga tao, inamin pa ng Central Bank na mayroon pang mga shipments noong regimen ni Marcos maliban sa location swaps. Wala ng ibinigay na paliwanag tungkol dito ang Central Bank.


Abril 1986

Isang Australian broker sa Sydney and nagsabi na si T.C.B. Andrew Tan ay nagbebenta ng 2,000 toneladang ginto noong bago pa bumagsak si Marcos. Sinabi ni Tan sa broker na itong ginto raw ay kaparte ng mga nanakaw noong panahon ng giyera. Patulong ang usapan tungkul sa ginto.


Hunyo 05, 1986

Isang amerkanong huwes ang nag-atas sa mga Custom na ibigay na sa mga Marcos ang mga pera, alahas at iba pang mga gamit nila. Isang apela ang nagpahinto dito. Sinampahan ng kaso ng Attorney General ang mga Marcos sa salang paglabag ng batas ng "RICO" (Racketeering Influenced Corrupt Organization) Nagdemanda rin ang pamahalaan ng Pilipinas, mga civil cases naman ang isinampa nito. Dumating ang mga subpoenas. Nagpasiya si Ver na umalis sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng pasaporte. Palihim din nagpahanap si Marcos ng malilipatan ngunit walang gustong tumanggap sa kanya. Wala siyang mapuntahan. Naging puntirya rin siya ng mga manlilinlang/manloloko na nangangakong tutulungan siya kapalit ang paghingi ng maraming pera.


Hulyo 1986

Inamin ni Marcos sa mga abogado na apat ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas- ang National Intelligence Security Authority (NISA), Intelligence Section of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) ang tumutudla sa mga oposisyong sa abroad at sa mga iba pang anti-Marcos na mga organisadong grupo sa pamamagitan ng mga military attaches sa embahada ng Pilipinas at mga konsulado nito.

Nakukuha rin ang mga abogado, sa pamamagitan ng pag-gamit ng batas na "Freedom of Information Act,ng mga 400 na pahinang mga dokumentong galing sa mga US intelligence agencies na nagsasabi tungkol sa mga US-Philippines dealings. Ayon sa dokumentong nakuha, alam ng CIA, FBI at ang pamahalaang Estados Unidos ang mga aktibidades ni Ver at ito ay tinutulungan pa nila.


Agosto 12, 1986

Hindi naging mabisa ang "global freeze" sa mga kayamanan ni Marcos. Sa pamamagitan ni P.A.L. Vine, na siyang namamahala sa dalawang "trust account" sa Standard Chartered Hong Kong Trustee LTD, nakapag-bigay pa ng $708,000 sa law firm nina Anderson, Hibey, Manheim at Blair si Marcos. Mga abogado ni Marcos ito sa Washington DC. Hindi rin malaman kung magkano pa ang nakaya ni Marcos na makuha sa mga perang naka-frozen.


Agosto 28, 1986

Isang ahente ng NBI ang nagpanggap bilang isang mamimili ng ginto ang nakakita ng siyamnapu 75-kilogram na mga bareta ng ginto sa isang apartment sa Quezon City na pag-aari naman ni Jonathan de la Cruz, isang naging aide ni Bongbong Marcos.

Ang ginto ay mga 6.76 metro tonelada-katumbas ng nawawalang ginto na naisulat sa L.A. Times noong ika-16 ng Marso, 1986.

Kaugnay nito narito pa ang ibang mga tanong tungkol sa ginto.

  • Noong 1973, bumaba ang reserves mula sa 1,857,000 onsa (52.75 metriko ton.) hanggang sa 1,057,000 onsa na lamang. Sabi ng Central Bank, nagbenta raw ito ng 800,000 onsa. Halimbawang ang taunang produksiyon ng ginto ay 30 metrikong tonelada, ano ang nangyari sa mga ito sa taon na ito?
  • Mula noon 1974 hanggang 1977, hindi gumalaw ang reserves, nanatili ito sa timbang na 1,056,000 onsa. Nasaan ang apat na taon na-produkto na humigit-kumulang sa 120 metriko tonelada?
  • Lumaki ang gold reserves noon 1978. Mula noon hanggang 1980 nagdagdag hanggang 1,900,000 onsa o sa karaniwang timbang na 8 metrikong tonelada bawat taon. Nasaan ang 22 metriko tonelada na namimina bawa't taon - o 66 m.t. sa loob ng tatlong taon?
  • Noong 1981, bumagsak ang reserves-naging 1,650,000 onsa na lamang. Nawala ang 7.1 m.t. na ipinagbili raw. Nasaan ang produksiyon na 30 m. t. ?
  • Tumaas ang reserves ng 6.1 m.t. noong 1982. Naging 1,866,000 onsa. May nawawala pa ring 23.9 m.t. mula sa taunang produksiyon.
  • Bumaba ang reserves sa taong 1983. Naging 289,000 onsa na lamang. Nabawasan ng 44.8 m.t. na ipinagbili naman daw. Nasaan na naman ang 30 m.t. sa taunang produksiyon?
  • Noong 1984 tumaas naman ang reserves. Naging 786,000 onsa. Nagkaroon ng karagdagang 14.1 m.t. May naiiwan pang 15.9 na nawawala.
  • Noong 1985, tumaas hanggang 1,478,000 onsa, dagdag na 19.7 m.t. May 10.3 pa rin na nawawala.

Umalis si Marcos noong Pebrero 1986.

Totoo ba na kaya pinalaganap ni Marcos ang tungkol sa alamat ng kayamanan ni Yamashita para itago ang katotohanan na ninakawan niya ang Central Bank at ang mga bareta ng ginto nito ay tinunaw at pinorma sa ibang hugis upang masabi na ito ay luma na (ano ba ang porma ng lumang ginto?)?

Sinasabi ni Marcos na "natanggap niya ang pagsuko ni Hen. Yamashita pagkatapos lumaban nito sa kanyang (Marcos) grupo ng mga gerilya". Ngunit nakatala sa kasaysayan na si Yamashita ay sumuko kay Lt. Co. Aubrey Smith Kenworthy at walang labanan naganap. Ang mapayapang pagsuko ni Yamashita ay dalawang linggo nang nagaganap bago iyong sinasabi ni Marcos na labanan.

Sinulat ni Marcos sa kanyang talaarawan na: Madalas kong isipin kung ano ang ma-ala-ala sa akin sa kasaysaysan. ( I often wonder what I will be remembered for in history) Bilang isang iskolar?, isang militar na bayani? Isang malaking kabaligtaran ang kanyang ninais, isang habang- buhay na kasikatan ngunit sa isang paraan na hindi niya inaasahan:

  • Isang malakihang kaso ng karapatan pangtao sa buong kasaysayan na may 10,000 biktima.
  • Guinness Book of Records- ang pinakasikat na kawatan ng mundo. (The world's greatest thief)
  • Ang pinakamalaking perang bayad-pinsala-$22 bilyon.

Setyembre 30, 1986

Sa pagdinig sa kanyang kaso tungkol sa nakatagong kayamanan, ginamit ni Marcos ng 197 na beses ang Fifth Amendment. Gayundin si Imelda-200 na beses.




[ Previous | Homepage | Nextpage ]