Maniwala ka o Hindi: Ang Mga Tunay na Pangyayari, Karanasan at Pamamaraan tungkol sa Pinakamalaking Nakawan sa kasaysayan ng Mundo

Isang kronolohiyang Pagsasalaysay
ni
CHARLIE AVILA

Isinalin ni Erlinda Villamor Bagas




Hunyo 22, 1973

Itinatag ang Rayby Foundation sa Vaduz


Mayo 02, 1973

Sumulat si Fabian Ver kay Marcos tungkol sa grupong Task Force Restoration na itinatag nila para sa paghuhukay nang nakatagong kayamanan sa Fort Bonifacio at Fort Santiago.


1974-1977

Sa loob ng tatlong taon, ang reserbang ginto ng Central Bank ay nanatili sa 1,056,000 onsa. Masasabing napakaimposibleng pangyayari ito, maituturing na "statistical impossibility." Kailan man hindi pa nagkaroon ng ganitong pagkakapantay ng halaga ng ginto kahit na sa loob ng dalawang taon.


Setyembre 1974

Si Olof Jonsson, isang manghuhula, ay dumating sa Maynila. Kasama niya si Cary Calloway at Norman Kirst.Naimbitahan sila ni Marcos para sa paghahanap ng kayamanan. Isinama na rin sa grupo si Bob Curtis, isang bihasa raw sa paglilinang ng ginto.

Ang gusto ni Marcos ay tunawin ang mga bareta ng ginto upang maitago ang anumang orihinal na marka at lalong maging puro ito.

Ang grupong ito ay tinawag nilang LEBER GROUP. Kasama sa grupong ito sina: Villacrucis, Amelito Mutuc, Cesar Leyran, Ben Valmores, Pol Giga at Mario Lachica.

Mula noong a-uno ng Enero 1975, maari ng bumili ng ginto ang mga amerkano. Naging abala ang palengke ng ginto sa buong mundo dahil dito.


Disyembre 1974

Binago ang pangalan ng Charis Foundation sa hindi malamang dahilan. Naging Scolari. Maaring para iligaw ang sinuman nais makaalam kung sino ang tunay na may-ari.


Enero 17, 1975

Isang batas ang ginawa ni Marcos na hindi nalaman ng tao: Ang batas na nagsasaad na kung sakali siya ay maging paralisado o mamatay, ang kangyang kapangyarihan bilang pangulo ay ililipat kay Imelda. Nalaman lang na may batas na ganito noong matapos na ang EDSA Revolution.


Marso 11, 1975

Inimbitahan ni Marcos ang grupo ni Jonsson sa kanyang opisina sa isla ng Corregidor. Dito ipinakita ni Marcos ang mga nakasalansang mga ginto: humigit-kumulang sa tatlungpu metro kuwadrado ng mga baretang ginto, mula sa sahig hanggang sa kisame. Nakita nila Jonsson na may mga markang parang sulat -intsik ang mga bareta.


Marso 1975, Hulyo 1976

Si Baltazar Aquino, ang ministro ng "Highway" ay pumunta sa Hongkong upang mangolekta ng komisyon na nagkakahalaga ng US$4,539,786.60. Ito ay di-umanong utang ng mga Hapones bilang mga suppliers sa "Philippine Highways Ministry."


Hunyo 07, 1975

Binago ni Marcos ang batas na naunang ginawa para kay Imelda. Sa halip, ginawa na lang niya ito bilang isang "chairman" ng isang komitiba na mayroon kapangyarihan ng isang pangulo.


Hulyo 2-3, 1975

Isinulat ni Jack Anderson sa "Washington Post" na si Marcos daw ay naghuhukay ng nakatagong ginto na ibinaon ng mga Hapones noong nakalipas na digmaan sa bundok ng Sierra Madre. Ang totoo, ang paghuhukay ay ginagawa sa Teresa, Rizal sa paanan ng Sierra Madre. Nagsimula ang paghuhukay bandang kalagitnaan ng Mayo sa pag-uutos ni Fabian Ver. Isang mapa ang nakuha nito na nagtuturo sa isang tunel na may 300 yarda ang haba, 50 talampakan ang lapad at 40 talampakan ang taas at mayroon pang mga maliliit na lagusan sa magkabilang panig. Ito ay isang tunel na pinahukay ng mga hapones sa mga Pilipino at Amerkanong bihag nito. Kasabay na inilibing ang mga bihag kasama ng mga kayamanan.


Setyembre 22, 1976

Sa araw na ito, pinirmahan ni Marcos ang PD 1033, kung saan may siyam na batas na nagbabago sa Konstitusyon. Isa rito ang Amendment 6 na nagsasaad na patuloy pa rin ang kanyang kapangyarihan kahit alisin na ang Batas Militar, "whenever in my judgment … there exists a grave emergency or threat or imminence thereof"….Ang nasabing pagbabago ng saligang-batas ay naratipikahan noong sumunod na buwan.


Setyembre 1976

Sa buwan ito, binili ng mga Marcos ang kanilang kauna-unahang pag-aari sa Estados Unidos, isang condo sa esklusibong Olympic Towers sa Fifth Avenue sa New York. Pagkalipas ng limang buwan, binili nila ang tatlong magkakatabing apartment. Ang halaga ng apat na ito ay US$4 milyon. Ginamit ang kumpanya ni Antonio Floirendo, ang Theaventures Limited sa Hong Kong.


Enero 01, 1977

Malaki ang naging problema ni Licaros (gobernador ng Central Bank). Hindi sapat ang "International Reserves" na nakarecord sa Central Bank para sa hinihingi ng mga pinagkakautangan sa labas (foreign creditors). Ang International Reserves ay ang mga ginto at mga perang dolyares na nakadeposito sa Central Bank at mga bankong sinasakupan nito (commercial banks). Bago makapag-angkat ang Pilipinas, kailangan mayroon sapat na international reserves na parang "collateral. "Kulang ang balanse sa hinihingi na apat na buwan ang international reserves, kasya lang para sa dalawang buwan. Ang solusyon ni Licaros na parang galing sa libro ng "Alice in the Wonderland" - nagkaroon ng bagong pangalan ang terminong "International Reserves": alisin sa listahan ng "international reserves" ang mga "net foreign exchange (dollar account) ng "commercial banks" dahil wala ng balanse ito (negative) Bakit? Dahil umutang sila nang umutang ng mga dolyares. Sa bagong katuturan ng IR ang mga utang ng Central Bank ay naging "foreign exchange" na pangangari (asset).

Sa gayon, sa isang kahig ng pluma, naging doble pa ang balanse ng International Reserves, mula sa $844.7 milyon naging $1.525 bilyon, na sobra pa sa 4.7 buwan sa mga pangangailangan sa pag-importa.


Agosto 1977

Si Eulogio Balao, ang puno ng Philippine Reparations Mission sa Japan ay kaibigan ni Marcos. Siya ang nangongolekta ng lagay (kickbacks) sa perang yen at ginagamit niya ang kanyang estadong pang-diplomatiko para maialis ang yen sa labas ng Japan at mapalitan ito ng dolyar sa Berlin and Company, isang foreign exchange dealer.

Nang mamatay si Balao noong Agosto, si Andres Genito, Jr. ay nagtatag ng Angenit Investment Corporation para tanggapin ang mga kickbacks at makapagbukas ng deposito sa Wing Lung Bank sa Hong Kong. Nilipat ng Berlin and Company ang HK$44,030,378 mula sa Hang Lung Bank patungo sa Wing Lung Bank.


Oktubre 13, 1977

Ipinagdiwang ni Imelda ang kanyang pagsasalita sa UN General Assembly sa pamamagitan ng pamimili at pag-gasta. Namili siya at nagkagastos ng $384,000, kasama rito ang isang platinum na pulseras na may mga rubi sa halagang $50,000, isang diyamanteng pulseras sa halagang $50,000 at isang aspile na may diyamante -$58,000.

Pero bago pa ito, nagbayad na si Vilma Bautista, isa sa mga pribadong sekretarya ni Imelda, ng $18,500 para sa isang pendant na may diyamante at esmeralda, ng $9,450 para sa isang gintong singsing na may diyamante't esmeralda at $4,800 naman sa ginto't diyamanteng kuwintas.


Oktubre 27, 1977

Nagkaloob ang mga Marcoses ng $1.5 milyon sa Tufts University sa Boston para sa isang "professorial chair sa East Asian and Pacific Studies sa Fletcher School of Law and Diplomacy." Nang malaman ng mga propesor at estudyante ang donasyon na ito, pinilit nila ang universidad na ibalik ang donasyon sa mga Marcoses. Para hindi naman mapahiya ang mga Marcos, hinayaan na lang silang mag-bigay para sa mga seminar at lectures.


Nobyembre 02, 1977

Pinirmahan ni Marcos ang PD 602 na nag-aatas na lahat ng produkto ng ginto ay sa Central Bank magbebenta. Noong Setyembre, pinasiyahan ang bagong Central Bank Gold Refinery and Mint sa Quezon City. Patuloy ang pagwaldas ng pera ni Imelda. Bumili siya ng gintong kuwentas at pulseras na may esmeralda at mga rubi't diyamante sa halagang $450,000, isang gintong singsing na may esmeralda't diyamante sa halagang $300,000 at isang gintong palawit na may mga diyamante, rubi at 39 na mga esmeralda sa halagang $300,000.


Abril 06, 1978

Sa gabing ito, sa isang determinadong oras, lahat halos na kalye sa Metro Manila ay puno ng mga taong kumakalembang ng mga lata, kaldero, kawali, at ang lahat ay sinisigaw ang pangalan ng partido ni Ninoy Aquino. "LABAN! LABAN! LABAN!"


Abril 17, 1978

Pinirmahan ni Marcos ang PD 602 na nag-aatas na lahat ng produkto ng ginto ay sa Central Bank magbebenta. Noong Setyembre, pinasiyahan ang bagong Central Bank Gold Refinery and Mint sa Quezon City.


Agosto 1978

Gumawa ng sarili niyang imbestigasyon si Steve Psinakis tungkol sa paghahanap ni Marcos ng nakatagong kayamanan. Ang naging resulta ng imbestigasyon ay inilimbag sa isang 24- parteng serye sa Philippine News simula sa buwang ito. Lalong naging kapani-paniwala ang publikasyon dahil sa mga maraming dokumento at mga retrato nangalap si Psinakis. Si Psinakis din ang nag-plano upang makatakas sa pagkakakulong ang kanyang bayaw na si Eugenio Lopez, Jr at si Sergio Osmena III.


Hulyo 1978

Pagkatapos ng biyahe niya sa Russia, si Imelda ay nagtuloy sa New York at nanginit kaagad sa kanyang pamimili. Nagsimula siya sa mga antigong kasangkapan sa halagang $193,320, kasama dito ang isang lamesa-Ming Period sa halagang $12,000, isang pares ng Georgian Mahogany Gainsborough na upuan -$24,000, isang sulatan lamesa na Sheraton double sided-$6,240, isang George II wood side na lamesa na may marmol sa halagang $11,600. Lahat ito ay nakapangalan sa konsulado ng Pilipinas upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis.

Simula pa lang iyan.

Nang sumunod na linggo, nagwaldas si Imelda ng $2.181 milyon sa loob lamang ng isang araw! Ang mga pinamili niya: pulseras na platinum na may mga esmeralda at diyamante sa Bulgari-$1.150 milyon, isang kuwintas na may rubi, esmeralda at diyamante-$330,000, isang singsing na may korteng puso ng esmeralda-$300,000, isang 18-karat na hikaw na may diyamante-$78,000, isang palawit ng kuwintas na may diyamante't rubi at esmeralda-$300,000.

Dumaan siya sa Hong Kong kung saan isang kinatawan ng Cartier ang nagsabi na itong si Imelda ang Pilipinang may pinakamaraming koleksiyon ng alahas sa buong mundo.


Agosto 1978

Sa Vaduz, maraming pagpapalit ng mga pangalan- ang Anzio Foundation ay naging Verso, ang Scolari ay Valamo at ang Xandy ay naging Wintrop.


Nobyembre 11, 1978

Kinolekta ni Baltazar Aquino ang "kickbacks" ng Highway (10% -15%). Nagbigay ang Berlin and Company ng halagang US$407,322.07. Ito ay nakadeposito sa pangalan ni Baltazar Aquino.


Pebrero 1979

Naging chairman ng BLISS si Imelda. Ang BLISS ay ang Bagong Lipunan Site and Services, isang programa na mag-kokontrol ng lahat na "economic and social development." Si Imelda ang mangangalaga di-umano ng lahat na pangangailangan ng tao-ang sinasabing "labing-isang pangunahin kailangan ng tao"( 11 needs of Man).Ito ay nakatala sa Human Settlements Plan 1978-2000. Kaya sa taong 1986 pa lamang, 35 milyon pilipino na ang naghihirap (below poverty line) mula sa 18 milyon noong 1965! Pati ang ekolohiya ay hindi nakaligtas. Dahil sa walang humpay na logging, nakalbo ang mga kagubatan, 75% na ang walang forest cover mula sa 27%. Tatlupung milyon ektarya ang sinalanta ng pantotroso. Ito ang kaligayahan (bliss) ni Imelda.


Mayo 1979

Nagdiwang ang mag-asawang Marcos ng kanilang ika-25 anibersaryo ng kasal. Pinagkagastahan ito ng US$5.00 milyon. Ang kanilang sasakyan ay isang pilak (silver) na karetela na inaakay ng walong puting kabayo.


Nobyembre 21, 1979

Dalawang kinatawan ng Standard Chartered Hong kong Trustee, Ltd., sina P.A.L. Vine at Lai Wai Hung ang nagpunta sa Malacanang. Gumawa ng isang trust agreement at sa pagbabalik ni Vine noong Dis. 5, 1980, nakipagkita ito kay Rolando Gapud, isang tapagpayo ni Marcos at kay Jose Campos. Dalawa pang trust account ang binuksan- isa ang pangdolyar at ang isa ay pang peso Ito ay sa Security Bank and Trust Company (SBTC) Si Campos ang pumirma para kay Marcos. Ang dalawang account na ito ay pag-aari ng isang trust company sa Hongkong kung saan ang nagmamay-ari ay ang mag-asawang Marcos.

Sampu pang account ang binuksan sa SBTC-nos. 700,7710,7720 atbp. Isang "deed of trust" ang ginawa para sa Standard Chartered Bank. Ang Deed of trust para sa account na 7730 ay sa Beneficio Investment, Inc. isang Panamanian corporation. Ang Beneficio Investment ay hinahawakan ng Standard Chartered para kay Marcos at Imelda.

Liban pa sa mga Hongkong accounts, nagbukas pa sa Switzerland: Credit Suisee, Bangque Paribas, Lombard, Odier et Cie, Swiss Bank Corporation, Swis Volksbank, Finanz AG, Trade Development Bank at ang Bank Hoffman.

Nagbukas din ng account sa Barclays sa London.

Pati sa Cayman islands at New Hebrides.

Sa Estados Unidos, mayroon walungput tatlo (83) deposito ang mag-asawa, kasama ang Lloyds Bank at Calipornia Overseas Bank sa Los Angeles, ang Redwood Bank sa San Francisco at ang Irving Trust, Citibank, Chase Manhattan, Chemical Bank, at ang Manufacturers Hanover sa New York.

Umuulan ng pera para sa mga Marcoses - patungo sa mga bangkong ito.

Si Lucio Tan ay nagbibigay ng P100 milyon kay Marcos taon-taon. Aniya pa ni Gapud, si Tan ay "isang tao na nakakapagpagawa kay Marcos ng mga batas o dekre para sa kanyang (Tan) benepisyo, kapalit naman nito ay ang pagkakaroon ni Marcos ng animnaput porsiyento (60%) bahagi sa lahat ng kompanyang pag-aari ng intsik- ang Fortune Tobacco, Asia Brewery, Allied Bank at ang Foremost Farm. Ganoon din ang ginagawa ng iba pang crony-kagaya ni Silverio na nagmamay-ari ng Delta Motors.

Humigit- kumulang sa P10 milyon kada linggo ang dini-deposito sa SBTC-inililipat sa Hongkong patungo sa mga bangko sa Swiss accounts na pagmamay-ari naman ng mga foundations.

Bilang "chief financial advisor" ni Marcos, si Gapud ay nagmamay-ari ng milyon-milyon "shares" sa mga kumpanya. Itong mga "shares" ay "indorsed in blank" ng orihinal na may-ari kung kaya ang sinumang may-hawak nito ay siya rin ang may-ari ng mga shares na ito (bearer's certificates). Sa ganitong paraan, naitatago ni Marcos ang kanyang pagiging tunay na may-ari nguni't napananatili niya ang kontrol- kontrol sa halos lahat na malalaking industriya at negosyo- mga industriya ng pagbabangko, paseguruhan, minahan, shipping, langis, factory, asukal, niyugan, konstruksiyon, atbp.


Nobyembre 23, 1978

Isang bahay ang binili sa 4 Capshire Drive sa Cherry Hills, New Jersey, (malapit ito sa Philadelphia kung saan nag-aaral si Bongbong). Ito ay para sa mga katulong at mga guardiya ni bongbong.

Patuloy ang pagbili ng mga ari-arian ang mga Marcoses- isa sa 3850 Princeton Pike, Princeton, na trese ektarya ang sukat para kay Imee na kasalukuyan nag-aaral sa Princeton at isang bahay sa 19 Pendleton Drive sa Cherry Hill para kay Bongbong. Ito ay nakapangalan kay Tristan Beplat, dating pangulo ng American Chamber of Commerce sa Pilipinas.


Abril 1979

Sa loob lang ng dalawang araw, bumili si Imelda ng isang kuwintas na may esmeralda at diyamante sa halagang $280,000, isang bag na ginto na may palamuting diyamante sa halagang $ 18,500, isang hikaw, 20 karat na ginto na may mga batong diyamante-$8,975.20, isa pang hikaw na ginto, may mga limangput dalawang palamuting diyamante sa halagang $8,438.10 at isa pang gintong hikaw na may mga diyamante sa halagang $12.056.50.


Enero 1980

Masasabing normal lang ang paglaki ng gold reserves mula sa taong 1978- nanatili sa karaniwan dagdad na walong (8) metrico tonelado kada taon-umabot hanggang 1,900,000 onsa. Mataas ang halaga ng ginto sa merkado, umabot hanggang $875 kada onsa.

Nguni't bagama't ganito ang naging kalagayan ng ekonomiya, apat na samahan ng mga negosyante- mga taga Europea, Japan, American at Australia ang pumuna sa tunay na kalagayan ng bansa. Ayon sa kanila, maraming katiwalian sa pamahalaan- "red tape, graft and corruption, flawed infrastruction"…ang gustong iparating na mensahe: hindi madaling magnegosyo sa Pilipinas.

Kabaliktaran ito nang mga nauna nilang palagay nang bago pa lang ibinaba ang batas-militar. Ngayon nila nalaman na kahit bihasa sila sa larangan ng kalakalan, hindi nila kayang makipag-tunggali sa katusuhan ni Marcos.


Abril 1980

Dumalo si Marcos sa convention ng "American Newspaper Publishers Association (ANPA). Dito nagkaroon ng pagkakataon ibulgar ng samahan ni Raul Manglapus-ang "Movement for a Free Philippines" (MFP) ang tunay na kalagayan ng Pilipinas. Dahil dito, si Marcos ay hindi pinansin, maging ng "White House."


Hunyo 1980

Binili ni Imelda ang Webster Hotel sa West 45th Street, New York sa halagang $1,577 milyon. Bilang gantimpala kay Gen. Romeo Gatan sa pagkakaaresto nito kay Ninoy Aquino noong ibinaba ang batas-militar, ginawa niya ang heneral bilang "limited partner."




[ Previous | Homepage | Nextpage ]